Monday, June 27, 2011

PARA SA’YO…BASAHIN MO!


Hindi ginawa ang fanbase para sa pansariling interes lang ng kung sino mang gumawa nito. Ginawa ang fanbase para TUMULONG sa mga fans ng mga idol group na mahal nilang pare-pareho. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan may mga naninira sa mga fanbase imbes na suportahan. Ang nakakalungkot pa, kapwa kababayan mo ang naninira. Mabuti pa ang mga taong hindi mo kalahi, yun pa yung walang sawa at handang suportahan ang mga projects ng fanbase mo. Kahit na gusto mo silang pasalihin sa projects ng fanbase mo, hindi pwede. Bakit? Para saan pa ang paglagay ng PH o Philippines sa pangalan ng fanbase mo kung ganoon din lang naman? Kaya nga may PH o Philippines dahil priority ka ng fanbase mo! Isang pribilehiyo, isang pagpapahalaga sa’yo na kahit kailan hindi yata sumagi sa isip mo.
Hindi ginawa ang fanbase para magspam ng pictures at facts tungkol sa idol group na gusto mo. Oo, importante ang mga yun sa isang fanbase o fandom para malaman ng mga kapwa fans ang mga dapat nilang malaman at gusto nilang makita. Pero hindi ba dapat kung fan ka, bago ka sumali sa fandom e alam mo kahit papaano ang mga bagay na dapat mong malaman sa mga idol group na gusto mo. Pero sa nakikita ko, hindi. Ano pa’t sinabi mong fan ka kung kahit tunay nilang pangalan at birthday o blood type nila ay di mo alam at kailangan pang sabihin sa’yo ng mga fanbase para pumasok sa kukote mo? Hindi ba dapat kusa mong inaalam ang lahat o kung hindi man, kahit mga simpleng bagay lang tungkol sa kanila? Ganoon kasi dapat…ganoon ang tama!
Hindi ginawa ang fanbase para manikil o mangulimbat ng pera at manloko ng kapwa fan. Oo, may mga projects ang fanbase na kailangan ng pera. Kailangan yun e! Pero hindi ibig sabihin nun na pinipilit ka nilang magbigay… hindi yun pilitan dahil kahit ang mga namumuno sa isang fanbase, alam ang sitwasyon ng kapwa nila fan. Mahirap ang buhay lalo na dito sa bansa natin. Ang gusto lang naman nila e konting tulong. Kung ano ang kayang ibigay, moral man o pinansyal, malaking bagay na yun para sa fanbase. Yun ang hindi naiisip ng ibang fans, na hindi ko alam kung makitid lang talaga ang utak o sadyang tanga lang.
Hindi ginawa ang fanbase para maging front ng isang negosyong pansarili.Madaming ganito, lalo na sa facebook. Oo, may mga fanbase na nagbebenta ng mga fangoods at merchandise. Pero hindi lahat! At hindi para sa sarili nila kundi para sa fanbase mismo. Pondo. Hindi naman tatakbo ng mabuti ang isang samahan kung wala silang pondong magagamit para sa proyekto nila na ikaw din ang makikinabang sa huli. Yung mga online stores na nagtatago sa likod ng “fanbase”, hindi ko alam kung sasaludo ba ako sa pagiging maabilidad nila o mapapailing sa pagiging oportunista. Nakakalungkot lang na karamihan sa mga tumatangkilik dito ay pulos baguhang fan. Mga inosenteng kabataan na naaakit ng mga bagsak presyong produkto. Kung sana’y ang mga pinambili nilang pera sa mga bagay na ito ay inilaan na lang nila sa mga importanteng bagay katulad ng fanprojects o kaya’y albums na counted sa music charts ng Korea e di sana’y nakatulong pa sila.
Seryosong gawain ang pagtatag ng fanbase! Hindi to lokohan! Akala ng nakararami, ginawa ito para magspam ng pictures; magpalaro ng kung ano-anong games na ang premyo ay pic spam din; at magspam ng facts na matagal ng alam ng fans. Paulit-ulit na lang, walang bago…nakakasawa na. Ginawa ang fanbase para tumulong sa fandom! Ginawa ang fanbase para maging daan sa idol group na gusto mo! Ginawa ang fanbase bilang pasasalamat, bilang pagbibigay pugay at importansya sa idol group na pare-parehong nyong mahal! Ginawa ang fanbase para sa’yo!
Kaunting pabor na nga lang ang hinihinging kapalit ng fanbase sa’yo, hindi mo pa maibigay. Konting tulong. Konting suporta. Pero anong ginagawa mo? Naninira ka. Sa tingin mo ba, matutulungan ka ng facts at picture spam para maiparating sa idol group na gusto mo ang gusto mong iparating? Hindi! Anong alam mo? Anong karapatan mong manira kung kahit konti wala ka pang naibibigay na tulong? Wala kang alam. At lalong wala kang karapatan. Dahil hindi ikaw ang walang sawang nagpupuyat at nagtyayagang maghintay , mangalap at magtranslate ng impormasyon at balita. Hindi ikaw ang walang sawang mag-isip ng projects para maipakita mo sa idol group na gusto mo na meron silang fanbase sa bansa mo. Hindi naman ikaw ang nagtatrabaho ng halos 24/7 na walang hinihintay na sweldo kinsenas katapusan. At lalong hindi ikaw ang naglalabas ng malaking halaga galing sa sarili mong bulsa mapunan lang ang kakulangan ng fanbase na dapat ikaw ang isa sa mga gumagawa.
Konting tulong. Konting suporta. Konting pasasalamat. Konting pagkilala. Kahit isa lang sa mga ito. Yun lang ang hinihinging kapalit. Yun lang. Pero ano? WALA. Kaya wag kang magtataka kung isang araw, mawalang lahat bigla ang mga fanbase dito sa Pinas dahil sa pinaggagagawa mo. Hindi mo sila masisisi dahil wala silang kasalanan. Ginagawa nila ang lahat para sa’yo! Pero anong isinusukli mo? Paninira sa mga projects nila na para sa’yo din naman at sa mismong fanbase na kasapi ka! Ikaw ang may sala kung magsawa man silang tumulong at umintindi sa’yo. At kanino ka tatakbo? Dun sa mga “fanbase” na puro facts at pic spam? Nagpapatawa ka yata?!?
Hindi naman ang fanbase ang mawawalan kundi ikaw. Dahil hindi mo binigyang importansya ang pribilehiyong pinagkaloob nila sa’yo. Ang fanbase kapag nawala pwedeng bumalik at lalong maging mas matatag, pero ikaw? Wala ka ng babalikan pa! Dahil sa mga walang kapararakang bagay na ginawa mo, ikaw mismo ang nag-alis sa sarili mo. Nakakaawa ka naman…para kang isang batang iniligaw ang sarili’t nalayo sa magulang dahil sa katigasan ng ulo… hindi na alam ang daan pabalik kaya’t iiyak na lang.
Kung naalis ang agiw sa utak mo dahil sa mga nabasa mo, maraming salamat. Kung hindi, salamat pa rin dahil pinansin mo ako. Naiparating ko sa’yo ang dapat kong iparating. At kung balak mong salungatin ang pinagsasabi ko dito, ikaw ang bahala. Panalo pa rin naman ako at ikaw ay mananatiling talunan dahil isa lang ang ibig sabihin no’n, nagkaroon ka ng pakialam… tinamaan ka. Bahala ka kung anong gusto mong gawin at sabihin laban sakin, laban dito. Hindi ko hawak ang pagiisip mo. Pero sana’y naantig ang puso mo kahit papaano. Alam kong hindi ka bato, may pag-asa ka pa… sana’y balang araw matauhan ka. Dahil kung hindi’y magiging huli na ang lahat para sa’yo. Hindi mo na maibabalik ang lahat sa dati at ang pagsisisi ay habang buhay mong dadalhin sa konsensya mo.

Wednesday, June 22, 2011

A DREAM… SOON TO BE REALITY…


9:00 in the morning, I suddenly woke up… and the first thing I saw when I open my eyes was Leeteuk’s face. I always have this big picture of him posted on my bedroom wall and every night, before I went to sleep, I’ll look at it and said goodnight. Weird, right? Oh well, what would you expect from a bias or a SuJu fan like myself? ^^
I don’t know why this morning felt different. I grab my cellphone and start to play a song that I just got from my sister yesterday. It was Parokya ni Edgar’s (a legendary OPM band) Pangarap Lang Kita featuring Ms. Happee Sy’s (now Mrs. Vernon Go^^) voice, she’s the producer of Super Show here in Manila. I was listening to the song while looking at Teuk’s face and a favorite line from one of my favorite local paperback romance writer kept ringing inside my head. She wrote this quote on one of her novels which is about a girl who fell in love with one of the members of a rock band. The friend of the girl said this line to her: “Hindi ka kayang mahalin ng isang pangarap lang…” (“A dream can’t love you back…”). With the words ringing in my head and the song playing over and over again in the background plus the face of the man my heart beats for staring back at me, train of thoughts suddenly filled my head.
I know for a fact that he can’t like or love me back for many reasons my mind could think of. One, I’m just one of his millions of fans. Two, I’m here in my own country and he’s in Korea. And even if I live in the same place as his, will there be a possibility that he will notice me from so many girls around him? Three, I know I’m beautiful in my own way but I don’t think I’m his type of girl. So on and so forth. But like I always tell to myself, “There’s no harm in dreaming.” So I kept on dreaming even if reality was already in front of me, biting me like a snake. Until this morning, my mind flashed this in front of me… I WANT TO SEE HIM, PERSONALLY. Why?
I want to see him, personally, not because I want to seduce (LOL) him into liking me back. Or stalk him like a fan should do to their idol. I just want to see him because I want to know if what I feel for him is real. I want to know if my heart will beat so hard like the way it always did whenever I see his face on t.v. or pictures. I WANT TO KNOW IF WHAT I FEEL IS REAL. I may sound like a delusional fan, but I know the score. I am not. I just want to be free from the aching but wonderful feeling that envelopes my whole being ever since I started to notice him. I want to fall in love with a real man, not that I’m saying he’s not real or anything.  A real man whose going to love me back and accept me for who I am. A real man whom I can spend my whole life with and I can touch and feel his warmth. Do you get what I mean?
I don’t when I’ll be able to see him personally. Maybe next year, before he enlist the army or maybe after two to three years, when he goes out of the army. I don’t really know. Only time will tell but one thing I’m sure is that I’m really going to see him even if it takes years before that happen. I still have to finish my studies and work for a living so I can save money for travelling abroad. I still have to prioritize my career and family. Love can wait. For now, dreaming of him is the only way to cope up with what I am feeling right now.
A dream can’t love me back, I know. But just like what the heroine in the novel I’ve read, I can always make my dream possible. Who knows, when the time comes I finally go to his place, a miracle might happen? Maybe the dream will stay a dream and then I’ll move on with my life…or maybe it will turn into a reality…just maybe…

Saturday, June 11, 2011

What is E?What is L?What is F?


I’m not a folklore creature with those pointed ears and white bearded face. I’m not a fairytale character who lives in a tree house with a damsel in distress. I’m not a mystical creature living in the dark and have magical powers. I’m just a normal human being who lives peacefully here in this world. I eat, I sleep, I breathe and live or die. I smile, I laugh, and I can get hurt and cry. But the only thing that separates you from me is, I have 15 special men in my life.
I’m proud of their great leader who always wears his angelic smile. I admire their sub leader who’s never afraid to be always true to his self. I respect the Chinese man who stand up and defend his decisions in life. I love the art-like voice of their weird but talented guy. I believe in the strength of the “most handsome man” to stand up and face his flaws. I’m amazed of the cuddly bear that got the “moves”. I cherish the many sides of the pumpkin guy who’s not ashamed to admit he loves pink. I care for the crying baby monkey who shows the world his unique gummy smile. I am moved with every tear that falls from the prince-charming guy. I bow down to the guy with many gestures for his strong faith in God. I’m not losing hope that the man with the beautiful smile will come back. I love how the “eternal magnae” takes care of his hyungs with his cooking skills. I like how the magnae “plays” the role of a hyung and never afraid to show his evil mature side. I look up to the chic man who never back down from detractions. And I find the musical child genius who wears his cute puffy cheeks so irresistible; fifteen normal humans but multi-talented men that I hold dear inside my heart.
I may not have super powers like the mystical creature my name associates with, but I can do better than that. I can spread love and friendship all over the world because I believe in these 15 men… because I believe that we are ONE. And one thing I assure you is that I promise to stand up beside them no matter what the future have for both of us. That I promise to hold on to the vow I made; to protect the bond between us until the world is covered with Sapphire Blue balloons.
Wondering who am I? I go by the name of ELF, an Ever Lasting Friend of Super Junior. Nice to meet you :)