Badtrip ako after makapanood ng Rated K sa ABS-CBN kaya naman naglabas ako ng sama ng loob sa text dahil wala akong internet sa ngayon. Marami akong nakakwentuhan na kapwa ELF, yung iba pare-pareho kami ng opinion, yung iba hindi at nirerespeto ko yun. Pero may particular topic akong nabuksan, yun ay yung mga klase ng ELF ngayong mga panahon na ito at isa sa mga kausap ko ang nagbigay sakin ng ideyang ito dahil narin siguro pareho kami ng pananaw.
Base na rin sa mga nakikita at nakakausap ko, sa facebook, twitter, tumblr, forums o sa personal man, eto lang ang napansin ko sa mga kapwa ko ELF, international at Pinoy, may dalawang klase pala ng ELF. Pero dahil Pinoy ako, magfocus muna tayo sa mga Pinoy ELF.
May 2 klase ng ELF sa Pilipinas:
- DWENDE- Pinoy translation ng elf. Sila ang mga hardcore Pinoy ELF, yung klase ng ELF na kahit anong mangyari sa SuJu ay nandyan lang palagi, handang sumuporta , moral man o pinansyal. Sila din yung tipong tanggap lahat ng kahinaan at kalakasan ng bawat miyembro ng Super Junior. Iiyak pag umiiyak ang isa, masaya pag masaya sila, yung iba nga tatawanan pa yung member pag nakakatawa na yung pinaggagawa nila. Pero kahit mukang tanga na sila minsan sa kung ano-anong kalokohan na ginagawa nila sa sarili nila, tanggap na tanggap ng mga DWENDE ang lahat. A TRUE BLUE ELF ika nga. Isama na natin sa kategoryang ito yung mga official fans club sa Pinas na talaga namang napakasipag at dedicated sa Super Junior dahil sa mga fan project at kung ano-ano pa. Sobrang nakakabilib silang mga DWENDE J
- KABUTE- Pinoy translation ng mushroom. Sila naman ang mgaoccasional ELF, yung klase ng fan na sumusulpot lang pag trip nila, kabute nga kasi. Maraming naglipanang ganitong klase ng fan ngayon, pansin ko lang. Sila yung mga klase ng “ELF” na nagpaparamdam lang pag may nangyaring maganda sa SuJu o di naman kaya e makikisali sa kasiyahan ng kapwa daw nila ELF, masabi lang na ELF din sila. Pero madalas, sila yung mga tipo na may konti lang na pinagdadaanan ang SuJu o ang fandom e nega (negative) na agad at aalis ng fandom tapos babalik pag humupa na ang tension at masaya na ang lahat. Isama pa yung mga “fans club” na biglang litaw at nakakapampagulo lang doon sa mga official fans club. Hindi ko alam kung nagpa- power trip lang sila o sadyang hindi lang talaga sila tunay na ELF.
Gusto kong papaniwalain ang sarili kong mas marami pa rin ang bilang ng mga kapwa ko DWENDE kaysa sa mga KABUTE. Na mas marami pa rin ang TRUE BLUE ELF kaysa sa mag OCCASSIONAL ELF lang. Na ang mga KABUTE ay pwedeng maging DWENDE pero ang DWENDE ay wag naman sanang maging KABUTE.
So, ikaw, alin ka sa dalawa?